Pages

Sunday, January 23, 2011

Mahirap ba? Madali pa lang yan.


Stress, stress and more stress. Sa mga susunod na linggo ay ito lamang ang mararamdaman ko. Bakit? Ilang linggo na lang at magsisimula na ang Prom, ang Intramurals at ang Graduation. Dahil dito, pinagsabay-sabay na ang lahat ng mga proyekto at mga pagsusulit sa iba’t-ibang subject. At sa sobrang dami ng kailangang gawin, hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Ito ba? Iyon? Yung mas mahirap? O yung mas madali? Hindi ko na ito inisip, basta may masimulan lang.
Buhay nga naman sa high school.
Naisip ko, ganito din ba ang buhay pagdating sa kolehiyo? Hindi, mas mahirap nga pala. Ako na rin ang sumagot sa sarili kong tanong. Hindi ko tuloy alam kung ma-eexcite ba ako o kung dapat ba akong kabahan. Lalo na at may mga nagsasabi na ang kurso na kinuha ko ay mahirap. Meron daw iba na hindi kinaya at nag-shift. Kung ikaw rin ang makakarining nito, matatakot ka din diba?  Sana na lang mag-survive ako sa kolehiyo kahit papaano .Pero hindi ko na muna po-problemahin yun. Mas-importante sa ngayon ang mga gagawin ko habang ako’y nasa AAM pa.
Haayy.. kung pwede ko lang sanang patigilin ang mundo at takasan ang mga ito, kahit saglit lang. Ngunit alam ko naman na kahit anong pilit ko na pagtakas sa mga gawain at responsibilidad, magigising at magigising din ako sa katotohanan na hindi ako uunlad at magbabago kung hindi ko sisimulan ang mga bagay na ito. 
Kung ako sayo, huwag kang matakot sa hinaharap. Mas matakot ka sa mga ginagawa mo ngayon. Hindi ka naman magkakaroon ng magandang kinabukasan kung hindi mo aayusin ang iyong kasalukuyan.

1 comment: