Bakit nga ba umiibig ang isang tao? Minsan, sa katahimikan, naisip ko, kung bulag ang pag-ibig sana bulag rin ang mga tao. Nang sa gayon, mamahalin nila ang isang tao hindi dahil sa pisikal na kaanyuan nito kundi dahil sa totoo nitong pagkatao.
Maraming klase ang pag-ibig. Merong puppy love, true love, infatuation at ang hindi malilimutang first love.
Nagkaroon na ba ako ng unang pag-ibig? Hindi pa.
“May girlfriend ka na ba?” “wala po.” “Hindi nga. May girlfriend ka na ba?” “wala po talaga”, yan ang madalas na tanong sa akin ng mga kamag-anak ko tuwing kami ay mag-rereunion. Wala naman talaga akong iniibig, anong magagawa ko?. Pero aaminin ko na nagkaroon na ako ng crush (wag mo ng itanong dahil hindi ko rin naman sayo sasabihin kung sino ito). Siya na rin ang naging inspirasyon ko. Masaya siya bilang kaibigan, mabait, nakakatawa at hindi siya nauubusan ng kwento sa tuwing kami ay magkasama. Para bang tumitigil ang mundo ko sa tuwing nagkekwentuhan kami sa classroom o kaya naman ay naghihintay ng sundo niya sa lobby.
Hanggang dun lang. Hanggang sa crush lang. Hanggang sa pagiging inspirasyon lang. Ito’y dahil pinapahalagahan ko rin ang aking pag-aaral. Hihintayin ko muna na ako ay makapagtapos ng kolehiyo bago ako umibig. Pero sa ngayon, masaya na ako sa pagmamahal na ibinibigay sa akin ng aking mga kaibigan at ng aking pamilya, at minamahal ko rin sila bilang kapalit.
Sila ang nagbibigay sa atin ng saya sa bawat araw na meron tayo. Sila ay parang anino na laging nasa tabi natin, sa hirap man o sa ginhawa.
Ang tanong. Sila na nga lang ba ang makakasama mo habang buhay? Hindi. May isa pa.
Pero huwag kang mag-alala. Balang araw, makikita mo rin siya. Siya, na dadagdag sa mga dahilan kung bakit magiging maganda ang paggigising mo sa umaga. At siya, na magbibigay ng tunay na kahulugan sa salitang pag-ibig. Kailangan lang na ikaw ay nasa tamang lugar, sa tamang panahon, kasama ang tamang tao na babago sa buhay mo.
Noice chester! hahaha. Sino nga ba yan? :))
ReplyDeleteHoy, sino yan?! Ikaw ah. May tinatago ka palang ganyan. :))
ReplyDeleteKilala ko toooo!! ahahahahaha =))
ReplyDeleteganda nung first ska last paragraph :)
ReplyDeleteAwww, ang gondo gondo namoooon :) Yung last paragraph<33
ReplyDelete